YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, August 04, 2016

Malay nagtala ng mahigit isang libong registrants para sa Barangay at SK election

Posted August 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for comelec registrationUmabot sa 1,857 ang mga bagong botante ng Malay para sa nalalapit na Barangay at SK election  sa katatapos na registration nitong katapusan ng Hulyo.

Ayon kay Malay COMELEC Officer II Elma Cahilig,  ang bilang ng mga botante na nagparehistro ay kinabibilangan ng mga bagong botante sa Sangguniang Kabataan, ang ilan sa kanila ay dumaan sa re-activation at correction sa kanilang pangalan.

Kaugnay nito, sinabi ni Cahilig na mahigit 33, 813 ang bilang ng kabuuan botante sa Malay  kung saan hindi pa nila dito naidagdag ang 1, 857 na bagong rehistro.

Dagdag pa ni Cahilig, hindi pa nila nabibilang ang kabuuang active na botante dahil ang iba sa mga ito ay patay na at nagtransfer na sa pagboto sa ibang lugar.

Samantala,  mag-uumpisa umano ang election period sa Oktubre 1-7, habang ang filing ng COC naman ay sa Oktobre 3-5, at ang election campaign ay sa Oktobre 21 hanggang 29 at ang araw ng eleksyon ay sa Oktubre 31 taong kasalukuyan.

"Best Performing Police Station 2016” iginawad sa Boracay PNP

Posted August 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muli na namang nagpakita ng kagalingan ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa larangan ng Police Community Relations (PCR) hindi lang sa probinsya ng Aklan kundi sa buong Western Visayas Region.

Ito’y matapos silang kinilala at tinanghal bilang No 1 "Best Performing Police Station 2016" sa field ng Police Community Relations sa buong probinsya.

Dahil dito nagpapasalamat naman si SPO1 Christopher Mendoza, sa kanilang mga katuwang para sa pagpapatupad ng ibat-ibang programa para sa isla ng Boracay.

Ito umanong parangal ay dahil sa kanilang mga nagawang school at community based activities para sa ikakaunlad ng komunidad ng isla ng Boracay.

Maliban dito kinilala din si Mendoza bilang Outstanding Senior PNCO para sa 2016 sa larangan ng Police Community Relations.

Ang awarding ay ginanap noong 21st Police Community Relations Month Culminating Program sa Camp Pastor Martelino, Kalibo, Aklan.

Magkapitbahay sa Boracay, nagtalo dahil sa videoke

Posted August 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for malakas na videokeNauwi sa pagtatalo ang magkapitbahay dahil sa lakas umano ng volume ng videoke sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc, Boracay kaninang madaling.

Sa report ng nagrereklamong si Pamela Beronio, 34-anyos sa Boracay PNP, nagkaroon umano sila ng mainitang diskusyon ng suspek na si alyas Hans na isang Coast Guard Auxiliary matapos nitong pahinaan ang volume ng kanilang videoki dahil hindi umano sila makatulog.

Subali’t, hindi umano naunawaan ng inirereklamong si Hans ang paki-usap ng biktima kung saan siya pa umano ang nagalit sa biktima at pinagsalitaan ito ng masasakit na salita.

Dahil dito, inawat naman ang suspek ng kanyang asawa kung saan gusto pa nitong makipag-away sa biktima.

Hindi naman nagdalawang isip ang nagrereklamo na isumbong ito sa mga pulis kung saan nakatakda naman ang mga itong magharap sa Brgy. Justice System ng Manoc-manoc.

Pagbuo ng Special Task Force para sa vegetation sa Boracay pag-uusapan

Posted August 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
               
Image result for boracay beachHandang-handa na ang Local Government Unit ng Malay para sa ipapatupad na clearing operation sa vegetation area ng isla ng Boracay.

Dahil dito sinabi ni Executive Officer II Rowen Aguirre ng Office of the Mayor na napag-uusapan umano nila ngayon kung maaari silang bumuo ng Special Task Force para bantayan ang nasabing vegetation.

Ngunit bago ito ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) muna ngayon ang magbabantay dito kasama ang Municipal Auxiliary Police (MAP) para i-monitor ang mga ipinagbabawal na vendors sa beach area at ang lahat ng structures sa vegetation tuwing daytime.

Nabatid na isasailalim sa clearing operation ang vegetation area ng Boracay kung saan ipinagbabawal ang paglagay ng anumang istraktura tuwing daytime kagaya ng mga lamesa, upuan, beach umbrella, sound system at lalo na ang mga vendors.

Wednesday, August 03, 2016

NGCP, Petro Wind at AKELCO, muling ipapatawag ng SB

Posted August 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Nakatakda ngayong ipatawag muli ng Sangguniang Bayan ng Malay ang National Grid Corporation of the Philippines o (NGCP), Petro Wind at ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO).

Ito’y patungkol sa patuloy na kakulangan ng supply ng kuryente sa bayan ng Malay lalong-lalo na sa isla ng Boracay na nagdudulot ng perwesyo sa mga negosyante.

Sinabi ni SB Member Nenette Aguirre-Graf, plano nila ngayong bisitahin at alamin ang kalagayan sa area ng Napaan River at Windmills upang malaman kung ano ang mga sulosyon na dapat gawin sa palagiang brown out na nararanasan hindi lang sa Malay at Boracay maging sa ilang bahagi ng probinsya.

Nabatid na hindi direktang dumadaloy ang kuryente na nalilikha ng windmill ng Petro Wind sa AKELCO dahil direkta itong sinusuplayan ang National Grid Corporation of the Philippines  o (NGCP)  bago ito ibenta sa mga kooperatiba.

Kaugnay nito, nabanggit ni Graf na magse-set sila ng schedule para puntahan ang naturang lugar kasama ang Akelco para ma-obserbahan ang mga dapat gawin na aksyon para maibsan ang brown-out ng sa gayon ay hindi na umano mag dahilan ang AKELCO na merong gumapang na ahas o nasagi na kahoy na naging sanhi ng pagkawala ng supply kuryente.