YES THE BEST 911 BORACAY

Showing posts with label drowning incident. Show all posts
Showing posts with label drowning incident. Show all posts

Monday, December 03, 2012

Naliligong Chinese National sa Boracay, nalunod matapos atakihin ng sakit sa puso, patay


Ni Malbert Dalida, News Director, YES! FM Boracay

Alas-9 ng umaga, iniwan ng biktima at ng kanyang asawa ang tinutuluyang resort.

Alas-9:30, dumating sila sa station 2 upang maligo sa beach.

Alas-10:30, isinugod na ang biktima sa isang klinika, kung saan din ito idineklarang dead on arrival.

Nakilala sa report ng Boracay PNP ang 27 anyos na biktimang si Ming Xiu ng Shanghai, China.

Nalunod umano kasi ito, habang naliligo doon.

Sinasabing buntis umano ang babae, dahilan upang mag-isa na lamang na naligo at nag-snorkling ang kanyang mister.

Nabahala umano ang asawa nito, nang kanyang mapansing hindi kumikilos ang lalaki doon sa tubig, matapos niya itong tawagin ng ilang beses.

Nagkataon namang may mga lifeguard na naroon, kung kaya’t kaagad nagpasaklolo ang asawa ng biktima.

Ayon naman sa lifeguard na si Jeffrey Tapel, kaagad nilang kinuha mula sa mahigit kumulang pitong metrong layo sa dalampasigan ang lalaki, binigyan ng pangunang lunas, at dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Labis na pagdadalamhati naman ang naramdaman ng babae, makaraang idineklarang dead on arrival ni Dra. Larissa Yadao ang kanyang asawa.

Napag-alamang cardio respiratory arrest secondary to massive pulmonary congestion, secondary to drowning o atake sa puso ang ikinasawi ng nasabing Chinese national.

Tuesday, May 10, 2011

23-Anyos na lalake sa Tangalan, Aklan, nalunod, patay

(Ni Malbert Dalida, YES FM Senior Field Reporter)

Patay ang isang 23-anyos na lalaki makaraang malunod sa Brgy. Hawili, Tangalan, Aklan kahapon ng madaling araw.

Kinumpirma ni PO2 John Paclibar ng Tangalan PNP ang nasabing insidente at kinilala ang biktima bilang si Manny Masula, isang mangingisda, at resident eng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbistigasyon ng mga otoridad, nasa laot ang pangkat at kasama ang biktima nang umano’y gumising ito upang magbawas ng tubig sa katawan. Subali’t dahil sa tila naalimpungatan at nahampas umano ng hangin ang biktima ay bigla na lamang itong nahulog mula sa bangka.

Kaagad naman itong hinanap ng kanyang mga kasamahan subalit hindi na ito nakita, kung kaya’t minarapat ng mga itong magsumbong sa otoridad sa paniniwalang nalunod na ang biktima.

Dakong alas-nebe na ng umaga kahapon ng nang marekober ang bangkay nito, di kalayuan sa pinangyarihan ng insidente.

Nasa masusing imbestigasyon ng mga otoridad ang nasabing kaso.