Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
(c) Boracay PNP |
Himas rehas ngayon sa Boracay Police
Community Precinct ang babaeng kambal sa
kasong pagnanakaw.
Kinilala ang dalawa na sina Lorene at Loraine Catindig y
Masaganda nasa legal na edad, tubong Toledo, Nabas, Aklan at temporaryong
nakatira sa Sitio Angol Brgy.
ManocManoc.
Sa imbestigasyon ng Boracay PNP, nito umanong araw ng
Sabado June 30 ay nagbulontaryo ang dalawang magkapatid sa biktima na si Rea
Mae Anecito 27-anyos na tumulong sa gawaing bahay kapalit ng kanilang pagkain.
Subalit kahapon ng umaga July 1 nadiskubrehan ng biktima
na nawawala na ang 1, 500 Euro na nasa loob ng bag nito at nakatago sa loob ng drawer ng kanyang kwarto.
Samantala isa namang witness na menor de edad ang
nagsumbong at umamin kay Anecito na siya umano ay nakipagsabwatan at binigyan
ng kambal na suspek ng P24, 000 na halaga ng pera para hindi na magsumbong.
Nakuha naman sa menor de edad ang biniling cellphone
gamit ang nakaw na pera at halagang P
2,680.
Ayon pa sa masusing imbestigasyon ng pulisya matagal na
umano itong ginagawa ng magkambal simula
pa noong Hunyo 26 hanggang 30.
Nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang kapulisan
kasama ang biktima at ang menor de edad na witness sa bahay ng suspek sa
Unidos, Nabas kung saan na-recover nila dito ang perang pinambili ng dalawang
cellphone, at ibat-ibang grocery items.
Pansamantala namang kulong ang kambal na suspek sa lock
up cell ng Boracay PNP Sub-station.
#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayPNP
#TheftIncident
No comments:
Post a Comment