Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay
Kagaya ng ipinangako, full blast na ngayon ang trabaho ng
DPWH sa patuloy na road rehabilitation alinsunod sa anim na buwang
rehabilitasyon ng Boracay.
Ayon kay Aklan DPWH OIC Engr. Noel Fuentebella, puspusan
na ang ginagawa nilang pagsasa-ayos sa mga kalsadahin na lalagyan ng pipe bago
ito latagan ng bagong kalsada na daanan ng mga sasakyan.
Aniya, labing anim hanggang labing walong oras ang
igugugol nila upang madaling matapos ang 490million na inilaan sa
rehabilitasyon ng kalsada.
Sambit pa ni Fuentebella, nakikipag-ugnayan na sila
ngayon sa Transportation Office ng Malay dahil naman sa gagawing re-routing sa
Boracay.
Samantala, naglagay narin umano sila ng mga warning signs
upang maiwasan ang disgrasya sa kalsada.
Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng DPWH sa mga AKLECO
at PANTELCO para ma-relocate ang mga poste at utility lines para hindi maabala
ang kanilang operasyon.
#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayRehabilitation
#DPWH
No comments:
Post a Comment