Pages

Wednesday, July 04, 2018

Kambal, arestado sa pagnanakaw

Posted June 2, 2018
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: table and indoor
(c) Boracay PNP
Himas rehas ngayon sa Boracay Police Community Precinct ang babaeng kambal sa kasong pagnanakaw.
Kinilala ang dalawa na sina Lorene at Loraine Catindig y Masaganda nasa legal na edad, tubong Toledo, Nabas, Aklan at temporaryong nakatira sa Sitio Angol Brgy. ManocManoc.

Sa imbestigasyon ng Boracay PNP, nito umanong araw ng Sabado June 30 ay nagbulontaryo ang dalawang magkapatid sa biktima na si Rea Mae Anecito 27-anyos na tumulong sa gawaing bahay kapalit ng kanilang pagkain.

Subalit kahapon ng umaga July 1 nadiskubrehan ng biktima na nawawala na ang 1, 500 Euro na nasa loob ng bag nito at nakatago sa loob ng drawer ng kanyang kwarto.

Samantala isa namang witness na menor de edad ang nagsumbong at umamin kay Anecito na siya umano ay nakipagsabwatan at binigyan ng kambal na suspek ng P24, 000 na halaga ng pera para hindi na magsumbong.

Nakuha naman sa menor de edad ang biniling cellphone gamit ang nakaw na pera at halagang P 2,680.

Ayon pa sa masusing imbestigasyon ng pulisya matagal na umano itong ginagawa ng magkambal simula pa noong Hunyo 26 hanggang 30.

Nagsagawa naman ng hot pursuit operation ang kapulisan kasama ang biktima at ang menor de edad na witness sa bahay ng suspek sa Unidos, Nabas kung saan na-recover nila dito ang perang pinambili ng dalawang cellphone, at ibat-ibang grocery items.

Pansamantala namang kulong ang kambal na suspek sa lock up cell ng Boracay PNP Sub-station.

#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayPNP
#TheftIncident

No comments:

Post a Comment