Pages

Wednesday, December 13, 2017

Tema ng “Paskong Pinoy” ikakasa sa Boracay Christmas Festival

Posted December 13, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 people, people smiling, people standingIsang “Boracay Christmas Festival” ang matutunghayan sa isla ng Boracay ngayong buwan ng Disyembre.
Sa panayam ng himpilang ito sa Boracay Good News kay GTC Organizer Jann Wayne Sespeñe Homol, naisip umano ng kanilang grupo na magsagawa ng aktibidad kasabay ng nalalapit na simbang-gabi para gunitain ang tradisyonal na paskong pinoy.

Ayon kay Homol, ang kanilang konsepto ay nabuo para sa mga magsisimbang gabi na mas maramdaman nila ang diwa ng pasko na magsisimula mula alas-kwatro ng hapon hanggang alas-syete ng umaga mula a-kinse hanggang sa araw mismo ng pasko.

Nabatid na samu’t-sari ang maaaring matutunghayan tulad na lamang  bazaar, food booth  at mga palabas ang kanilang inihanda para sa mga taga-isla.

Kaugnay nito ang mga bumubuo sa bazaar ay ang mga RTW’s, Branded products, cosmetics, fragrance , toys at hand-made local products kung saan naka-categorized naman ang mga food booth.

Maliban dito magkakaroon din sila ng Parol Making Contest para sa mga estudyante ng Boracay mula sa mga recycled materials.

Samantala, ang tema ng naturang aktibidad ay “Paskong Pinoy”para ipakita ang Filipino Culture, ang malilikom sa aktibidad na ito ay ipapamahagi para sa isasagawang gift giving sa Day Care Center.

No comments:

Post a Comment