Posted September 20, 2017
Ni
Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay
Sa panayam ng himpilang ito kay PSI
Jose Mark Anthony Gesulga, Acting Chief ng BTAC, hinihintay nalang umano nila
ang tugon ng kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office
(MSWDO) para sa pinal na iskedyul ng kanilang pag-iikot.
Dagdag pa ni Gesulga nais umano nila
itong isagawa mula araw ng Biyernes hanggang Linggo kasama ang lead agency na
DSWD, WCPD ng BTAC at ang ilang LGU
enforcers.
Kaugnay nito ang nasa edad dise-otso
pababa ay maaaring hulihin kung maaktuhang paga-gala mula alas-diyes ng gabi
hanggang alas-kwatro ng madaling araw.
Samantala, ani Gesulga, nakapag-bigay
na umano sila ng sulat sa pamunuan ng MSWDO para sa naturang implementasyon.
Magugunitang ilang petty crimes na rin
ang kinasangkutan ng mga menor de edad sa isla kung kaya’t hihigpitan na ng mga
ahensyang ito ang pag-momonitor sa naturang isyu.
No comments:
Post a Comment