Posted September 19, 2017
Ni Teresa A.
Iguid, YES THE BEST Boracay
Puspusan
na ang paghahanda ng Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. o (KASAFI)
para sa nalalapit na selebrasyon ng tinaguriang "Mother of All Philippine
Festivals” .
Ayon
kay KASAFI Chairman Albert Meñez, abala na umano ang kanilang tanggapan para sa
preparasyon sa nalalapit na Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2018, sa buwan
ng Enero.
Ilan
umano sa mga aktibidad na gagawin sa nasabing selebrasyon ay ang pagtatanghal
ng ilang banda at event parties na pangungunahan ng iba’t- ibang mga dj’s.
Nais din ipabatid ni Meñez na ang search for 'Mutya it Kalibo Ati-atihan 2018' at
Mr. Ati-Atihan Festival King na isa rin sa mga highlights ng selebrasyon ay
bukas na para sa mga gustong sumali.
Ang Mutya it Kalibo Ati-atihan 2018' ay gaganapin sa ika-12 ng Enero, kung saan
ang Mr. Ati-Atihan Festival King naman ay gaganapin sa ika-16 sa buwan ng
Enero.
Samantala, nalalapit na rin ang Opening Salvo na gagawin sa
ika 20 ng Oktubre ng taong kasalukuyan, hudyat na nagsimula na ang taunang
pagdiriwang.
Ang
week long celebration ay ipinag-diriwang tuwing ikatlong linggo ng Enero kada
taon.
No comments:
Post a Comment