Posted September 20, 2017
Ni
Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay
Sakaling matuloy ang Barangay at
Sangguniang Kabataan Elections ay inilabas na ng Commision on Elections ang
bagong schedule nito para sa mga nais na tumakbo.
Ayon kay Malay Comelec Election Officer
II Elma Cahilig, hanggang hindi pa aprobado ang postponement ng naturang eleksyon
ay susundin nila ang bagong labas na iskedyul ng komisyon.
Nabatid na inaprubahan na kahapon ng
Commision en Banc ang pagbabago sa kalendaryong ito kung saan ang Election period ay
mag-uumpisa sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 30 ng taong kasalukuyan.
Sa mga tatakbo naman, ang filing ng
Certificate of Candidacy o COC ay sa ika-5
ng Oktubre na magtatapos sa Oktubre 11 at susundan ng Campaign Period mula
Oktubre 12 hanggang sa Oktubre 22.
Kalakip din sa pagbabagong ito ay ang epektibong
pagpapatupad partikular ng Gun Ban na
uumpisahan sa October 1, 2017
gayunpaman, bilang naunang iskedyul ang pag-file naman ng application for
exemption sa Gun Ban ay uumpisahan pa rin sa Setyembre 21, 2017.
Samantala, anuman ang maging pinal na
desisyon ukol dito ay preparado naman ang Comelec- Malay.
No comments:
Post a Comment