Posted September 22, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Kasabay ng selebrasyon ay ang “Tinda Turismo” na
itatampok ang ibat-ibang Aklanon na produkto kabilang na ang mga delicacies sa activity
center ng CityMall-Kalibo.
Ilan din sa mga naka-linyadang aktibidad ay ang gaganaping Tourism Congress sa Aklan Training
Center at Talento para sa Turismo “Dungog Awards Night”.
Ngayoin araw, September 22 ay Familiarization Tour kung
saan ilalakbay ang mga senior citizens, persons with disabilities sa Basura
Garden, Jumarap Farmers Hand Garden, Museo sa Akean, Papierus, and Talabahan
Village.
Sa huling araw September 23, magpapakitang gilas naman sa
larangan ng pagluto para sa Sabor Akean Cooking Challenge sa Mrs. Benedict’s
Place sa Old Buswang, Kalibo.
Samantala ang Week Long Celebration ay magtatapos naman
sa kanilang inihandang kasiyahan na Color Wave Music Festival sa Kalibo
Pastrana Park.
Itong aktibidad ay
inorganisa ng Aklan Tourism Officers Association (AkTOA) at Aklan Provincial
Tourism Office (APTO) kasama ang labing pitong munisipalidad sa probinsya.
No comments:
Post a Comment