Posted September 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Baoracay
Malapit ng
simulan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang proyekto at development na
gagawin sa ManocManoc Port.
Bagamat nagkaroon
na ng MOA sa pagitan ng PPA at DOTr hinggil sa proyekto, pinapapasa muna ng mga
requirements ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Philippine Ports Authority (PPA)
bago ang implementation ng proyekto.
Sa ginanap na 30th
Regular Session ng Malay, isa-isang tinanong ng mga miyembro ng Sanggunian ang
mga kinatawan ng PPA lalo na ang patungkol sa Memorandum of Agreement.
Ayon kay PPA
Senior Engr. Rona Mae Barabona, nangyari ang pormal na kasunduan noong taong
2016 pa subalit hindi pa ito na-implementa.
Sa pagtatanong ni
Sangguniang Bayan Member Frolibar Bautista kung sino hahawak ng project kapag
natapos na ito, ayon kay Barbona ay depende umano sa opisina ng DOTr dahil sila
ang otorisadong tao na makapagdesisyon kung kanino nila ipapasa ang proyekto.
Upang mas
malinawan ang plenaryo ay minabuti ng mga ito na imbitahan sa susunod na sesyon
ang DOTr at PPA upang ipaliwanang ang kanilang ginawang MOA signing at ang mga
nakapaloob dito.
No comments:
Post a Comment