YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 06, 2017

Kriminalidad sa isla bumaba sa buwan ng Agosto - BTAC

Posted September 7, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Bumaba ang naitalang kriminalidad ng Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC) sa buwan ng Agosto kung ikukumpara ito sa nakaraang taon sa kaparehong buwan.

Sa Comparative Crime Data ng BTAC, nitong nakalipas na buwan ay 62.9 % ang ibinaba sa record nila kung saan nakapagtala lamang sila ng kabuuang 69 na kriminalidad kumpara sa 186 noong nakaraang taon.

Ayon kay BTAC PSI Jose Mark Anthony Gesulga, malaki ang ibinaba sa Non-Index Crime tulad ng estafa, unjust vexation at malicious mischief.

Dagdag pa ni Gesulga, halos kalahati rin ang ibinaba ng mga kasong physical injury at theft o pagnanakaw na umano’y madalas nangyayari sa pagitan ng alas-onse ng gabi hanggang alas-tres ng madaling araw.

Bagamat may mga naitatala paring insidente ng nakawan sa isla, ayon sa hepe ay kadalasang nasa loob ng mga hotel o residential unit ito nangyayari dahil nabawasan na ang kaso ng salisi sa beachline sa tulong ng police visibility at force multipliers.

Nagpapasamalamat naman si Gesulga sa BPATS, Malay Auxiliary Police, Beachguard, PARDSS FOUNDATION, PARDSS ANTI-CRIME, KABAYAN, KABALIKAT CIVICOM at iba pang force multipliers na tumutulong sa kanila upang masawata itong mga gumagawa ng hindi maganda sa sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment