YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 06, 2017

Paghahanda para sa Malay District Meet 2017, puspusan na

Posted September 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image result for PALARO District Meet 2017Puspusan na ang paghahanda ng DepEd Malay para sa nalalapit na Malay District Meet 2017.

Sa panayam ng himpilang ito kay Malay District Supervisor Jessie S. Flores, handa na umano ang kanilang schedule of event na may temang Palarong Pampaaralan: “Palarong Mapagbago, Palarong Mapagpalaya.”
Ang paligsahang pampalakasan ay mag-uumpisa bukas, Setyembre 7 sa alas-singko ng umaga na hanggang 10 sa Brgy. Balusbos, Malay na lalahukan ng limang teams mula sa sekondarya at anim na teams mula sa elementarya.

Ayon kay Flores, ang tema nila ay ibinase sa national theme ng Pangulong Rodrigo Duterte sa paghikayat sa mga kabataan para ilayo sa mga masasamang bisyo sa pamamagitan ng sports activity.

Ani Flores, sa pamamagitan nito ay madedevelop ang potensyal ng mga kabataan sa napiling sports ng sa ganun ay magkakaroon ang mga ito ng magandang patutunguhan.

Nabatid na magiging panauhing pandangal sa annual activity na ito si Elmer Bedia na kauna-unahang miyembro ng Azkals sa Pilipinas.

Magugunitang nakapasok ang mga atleta ng Malay sa ginanap na Palarong Pambansa ngayong taon sa Antique.

Samantala, sa darating na Setyembre a-trese lalaban ang pambato ng Malay na si Edwin Villanueva para sa Paralympics Event sa 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

No comments:

Post a Comment