Posted September 5, 2017
Ni Danita Jean
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Naging speaker dito si Major General Jon N. Aying,
Commander 3ID PA kung saan tinalakay nito ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa para
mapaghandaan ang anumang banta sa seguridad.
Ilan din sa mga ibinahagi ni Aying ay ang may kaugnayan
sa peace advocacy at ang awareness sa extremism sa kabuuan ng bansa pababa sa
mga kanayunan.
Kaugnay nito, sa panayam ng himpilang ito kay LCDR Julius Reyes, Commander ng Maritime Joint Task Force Group Protect at
Operation Officer ng Joint Task Force
Boracay magkakaroon umano ng simulation exercises na gaganapin sa September 12.
Ayon pa kay Reyes, wala namang banta sa Western Visayas
subalit patuloy pa rin nilang hinihigpitan ang seguridad sa Boracay dahil hindi
maitatago ang posibilidad dahil sa intensyon ng mga masasamang elemento.
Siniguro naman ni Reyes na mahigpit na dumadaan sa
profiling ang mga IDPs o Internal Displaced Persons mula sa Marawi, kung saan
wala namang dumagdag sa bilang ng mga ito.
Katuwang sa mga dumalo sa naturang pulong ay ang Joint
Task Force Boracay, mga Punong Barangay, Barangay Kawagad at BPAT Members
ng Barangay Balabag, Manoc manoc,
Caticlan at Yapak, RAdmiral Leonard
Tirol, BAG Adviser at Sir Mark Delos Reyes, MLGOO IV-Malay.
Samantala, layunin ng naturang lecture ang mapalakas ang adbokasiya
na maging maagap at handa ang Boracay at Malay sa anumang banta sa seguridad at
para itaas ang kamalayan ng publiko para sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas
maging sa Western Visayas.
No comments:
Post a Comment