Posted August 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakatutok din ngayon ang atensyon ng Aklan Police
Provincial Office (APPO) sa mga wanted person sa probinsya.
Sa panayaman kay PINSP Angelito De Jose ng Trackers Team
ng APPO isa umano sa mga layunin nila ngayon ay mahuli ang mga wanted o mga
nagtatagong personalidad na may pananagutan sa batas.
Katunayan umano sunod sunod ang Kanilang mga nahuling
wanted sa Aklan nitong mga nakaraang araw kung saan isa rito ang top 9 wanted
person sa New Washington sa kasong pagnanakaw at ang isa naman ay sa bayan ng
Numancia sa kasong serious physical injury.
Dahil dito nanawagan si De Jose sa mga wanted na akasudo
na sumuko na para mapagaan ang kanilang mga kaso.
No comments:
Post a Comment