Posted August 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaasahang made-delay ang muling pag-release ng 2nd
tranche ng financial assistance para sa mga guro na biktima ng bagyong Yolanda.
Sa panayam kay Dr. Ernesto Servillon Jr. – Asst. Schools
Division Superintendent – Deped Aklan, nagbaba umano ng panibagong requirements
ang Office of the President na kailangan ang on site validation sa mga recipient
ng financial assistance.
Pagkatapos ng liquidation na noong una ay isa sa naging
dahilan ng pagka-delay ng pag-release ng pondo, ngayon ay may panibago ulit na
requirements sa DepEd.
Dahil dito humingi naman ng paumanhin si Dr. Servillon dahil
sa matagal-tagal na naman umanong pag-aantay dahil hanggang sa ngayon ay wala
pang ibinibigay na petsa ang Office of the President kung kaylan isasagawa ang
on site validation sa Aklan.
Ngunit nangako naman ito na kukulitin umano nila ang mga
kinauukulang tanggapan na ipaaga ang pagbisita sa Aklan para sa validation
dahil handa na ang mga recipient sa pagtanggap sa kanila.
No comments:
Post a Comment