Posted August 8, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nanlumo ang turistang Korean national ng mawala ang
kanyang pera na nagkakahalaga ng P110, 000, 2 US dollar at O.R ng motorsiklo ng
tangayin ng mga magnanakaw kaninang madaling araw.
Sumbong ng biktima na si Ma Dohyun, 38-anyos sa Boracay
PNP, sakay umano siya ng kanyang motorsiklo papuntang Bolabog ng parahan ito ng
dalawang lalaki sa madilim na bahagi ng lugar sabay tutok ng baril at pinag-sabihan
na ibigay sa kanila ang kanyang dalang bag.
Dahil dito ay mabilis namang sinunud ng biktima ang utos
ng mga hindi nakilalang suspek
dahil umano sa takot na mapatay na agad ring tumakas sakay din ng kanilang
dalang motorsiklo.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng
Boracay PNP hinggil sa nangyaring pananambang sa biktima.
No comments:
Post a Comment