Posted August 12, 2016
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Sa kabila ng
pagtanggal sa mga ambulant vendor sa vegetation area tuwing day-time pinaplano
naman ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang night market para sa kanila.
Ito ang sinabi ni
Executive Assistant Rowen Aguirre ng Office of the Mayor sa nakaraang meeting
para sa gagawing clearing operation sa susunod na linggo.
Ayon pa kay
Aguirre ilalagay na sa isang area ang mga ambulant vendor kung saan bibigyan
naman ng penalidad ang mga susuway nito.
Napag-alaman na
kahit ang vendor na may permit ay huhulihin ng mga pulis kung wala ang mga ito
sa tamang puwesto.
Nabatid na kasama
ang mga ambulant vendor sa gagawing clearing operation ng LGU kung saan
kinakailangang malinis ang lahat ng area ng vegetation at walang makikitang mga
upuan, lamesa at mga nagbibinta maliban sa mga masahista
No comments:
Post a Comment