Posted May
26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa susunod na taon pa umano o 2017 maibibigay ang budget
para sa itatayong Fire Station sa Brgy. Caticlan ng Local Government Unit ng
Malay.
Ito ang sinabi ni outgoing SB Member Rowen Aguirre
matapos na ito ay talakayin sa Calendar of Business for the Day sa 2nd
reading ng Sangguniang Bayan ng Malay nitong Martes.
Nakapaloob rito ang resolusyon na pumapayag sa Bureau of
Fire Protection na e-activate ang kanilang Fire Safety Services sa mainland
Malay at e-utilize ang Barangay Disaster Risk Reduction at Management Office ng
Barangay Caticlan bilang temporaryong opisina/Fire Station sa Mainland Malay.
Ayon pa kay Aguirre magiging under na umano sa itatayong
Fire Station sa Caticlan ang BSFPU sa isla ng Boracay.
Maliban dito nakasaad din sa usapin ang resolusyon na
seryosong humihiling sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa
pamamagitan ng Bureau of Fire Protection upang
bigyang proyoridad ang munisipalidad ng Malay ng isang unit ng
Fire-Truck.
No comments:
Post a Comment