Posted May 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Cellphone at bag
na naglalaman ng cash ang natangay mula sa isang turistang Spanish national sa
beach front sa Brgy. Balabag, Boracay kahapon ng madaling araw.
Sumbong ng
biktimang si Carmen Maria Gomez Granda 36-anyos sa mga pulis, naka-upo umano
siya sa dalampasigan kung saan nilagay niya sa kanyang gilid ang bag.
Ngunit makalipas umano
ang ilang minuto ay isang lalaking nakasuot ng sombrero ang mabilis na lumapit
sa kanya at tinangay ang bag nito.
Sinubukan pa
umanong habulin ng biktima ang suspek pero bigo niya itong maabutan.
Sa ngayon, patuloy
ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay PNP hinggil sa nasabing insidente kung
saan hindi parin ngayon matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
No comments:
Post a Comment