Posted May 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa-plano ngayon
ng Local Government Unit ng Kalibo na magsampa ng kaso laban sa traffic lights
contractor sa Kalibo, Aklan.
Ito’y matapos
hanggang ngayon ay hindi parin operational ang mga traffics light na itinayo
nitong mga nakaraang buwan.
Ayon kay Engr.
Marlo Villanueva, municipal planning and development coordinator, hindi parin
natatapos ang ginagawang installation at construction ng traffic lights kung
saan dapat nitong unang linggo pa ng buwan ng Mayo ay natapos na ito.
Nabatid na ang
itinayong traffic lights ay pinunduhan ng municipal government ng Kalibo na may
budget na P1.960-million para maibsan ang matinding trapiko sa ilang lugar sa
nasabing bayan.
Samantala, isa sa
mga nilagyan ng traffic lights ang crossing Banga-New Washington kung saan
madaming dumaraang motorist dahilan para tanggalin din ang rotunda Sarok sa
nasabing area.
No comments:
Post a Comment