Posted May 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by. PIA |
Ipinapabasura ni Hon. Persida Rueda-Acosta, Chief Public
Attorney’s Office (PAO) ang kaso laban sa biktima umano ng insidente ng
"tanim bala" sa Caticlan Airport nitong Abril 28, 2016.
Ito’y matapos siyang dumalo sa hearing kahapon sa Aklan
Regional Trial Court Branch 6 kasama ang sinasabing biktima na si Jerome Flores
Sulit at ang asawa nito sa pagdalo sa nakabinbing kaso sa nasabing korte.
Dahil dito hiniling sa korte ni Acosta na ibasura ang
kaso laban sa mag-asawa dahil naniniwala umano ito na walang kasalana si Sulit.
Ayon pa dito, nagsampa na rin umano sila ng motion to
squash, motion for determination ng probable cause at motion para suspendihin
ang arraignment ni Jerome kung saan kinasuhan ito ng RTC Branch 9 ng illegal
possession of ammunition.
Matatandaang galing sa bakasyon sa isla ng Boracay ang
mag-asawa ng makitaan umano ang mga ito ng 14 na bala ng kalibre 22 sa loob ng
sling bag kung saan dito sila inaresto at ikinulong.
Samantala, iginiit pa ni Acosta na hindi na kailangang
kasuhan si Sulit dahil wala naman siyang intent to possess kung saan hindi naman
umano dapat makukulong ang tao dahil sa bala lang dahil sa ang ammunition umano
ay dapat may bullet may gunpowder, may primer, may cartridge at gagamitin sa baril.
No comments:
Post a Comment