Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Malubha ngayon
ang kondisyon ng isang anak matapos tagain ng sariling Ama sa Brgy. Man-up,
Batan, Aklan.
Nakilala ang
biktima na si Norvin Policarpio 27-anyos habang kinilala naman ang Amang suspek
na si Efren Policarpio 56-anyos kapwa residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PO2
Racel Miaral ng Batan PNP, despiras umano ng pesta sa kanilang Brgy. ng
nag-iinuman sila kasama ang bisita ng kapatid ng biktima kung saan sinasabing nagalit
ito ng nag-paalam ang bisita na uuwi na.
Napag-alaman na
dahil umano sa galit ng kapatid sa biktima ay nag-wala ito kung saan hinabol
niya ito ng kutsilyo.
Ngunit, dahil sa
kalasingan din ng kanilang ama ay kumuha din ito ng kutsilyo at tinaga niya sa
ibat-ibang parti ng katawan ang kanyang sariling anak.
Samantala, agad
namang na-aresto ang ama ng mga pulis kung saan hinihintay nalang ngayon ang
desisyon ng anak nito kung siya ba ay sasampahan ng kaso.
No comments:
Post a Comment