Posted April 25, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Image by BTAC |
Ilang araw nalang bago sumapit ang inaabangang national
at local election sa Mayo 9, 2016 sa buong Pilipinas.
Dahil dito inilatag na rin ng Commission on Elections
(Comelec) Malay ang security plan para sa rito lalo na sa isla ng Boracay.
Nabatid na nitong nakaraang linggo ay nagsagawa ng Contingency
Planning and Coordinating Meeting ang Comelec Malay sa pangunguna ni Crispin
Raymund Gerardo, Malay COMELEC Election Officer.
Napag-usapan sa nasabing meeting ang tungkol sa
preparasyon sa Mayo 9 kung saan kinakailangan magkaroon ng mga bantay na pulis
sa bawat lugar na pagdadausan ng halalan sa buong bayan gayon din ang mahigpit
na seguridad para sa mga gagamiting machine o balota sa botohan.
Samantala, kasama sa mga dumalo sa meeting ay sina PINSP
Jose Mark Anthoy Gesulga, BTAC Deputy Chief at SPO1 Christopher Mendoza, PCR
PNCO kasama pa ang PNP Malay, Task Group Boracay-Philippine Army at MDRRMO-Malay.
Ang bayan ng Malay ang siyang pangalawa sa may
pinakamaraming botante sa buong probinsya ng Aklan dahil sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment