Posted April 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Posible umanong
makansela muli ngayong taon ang color coding ng mga pampasaherong tricycle
dahil sa event ng LaBoracay.
Itoy dahil sa mga
turistang paunti-unti ng dumadagsa para magbakasyon sa isla.
Ayon kay Boracay
Land Transportation Multi Purpose Cooperative o (BLTMPC) Operation Manager
Enrique Gelito, nag-pulong na umano sila kasama ang ibang lokal na ahensya para
sa ganitong usapin upang ma-finalize na kung ano ang kanilang magiging desisyon
para dito.
Subalit,
hinihintay nalang umano nila ang opisyal na sulat na manggagaling sa Office of
the Mayor kung saan pwede na nila itong agad-agad na maipatupad ang nasabing
usapin.
Samantala,
paalala naman ni Gelito sa mga driver na maging magalang at wag mag-overprize
sa paniningil sa mga pasahero.
Gayundin, para
naman sa mga magre-reklamong pasahero, pwede silang pumunta sa opisina ng
BLTMPC at doon may nakalaan silang comment form para sa tricykle driver na
kanilang ine-rereklamo.
Nabatid na
kinansela ang color coding ng mga tricycle noong nakaraang taon sa kapareho
ring event dahil sa sobrang dami ng mga pasahero.
No comments:
Post a Comment