Posted April 28, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umabot sa kabuuang P1, 564, 896 ang kinita sa isinagawang
Regional Agri-Aqua Trade Fair 2016 sa naging selebrasyon ng 60th Anniversary
ng probinsya ng Aklan.
Ito ay nilahukan ng mga partisipante sa Regional Exhibitors
kung saan kumita sila ng P628, 423.50, habang ang Municipal Exhibitors naman ay
kumita ng P347, 121 at ang Local Exhibitors ay may kitang P589,351.50.
Dito ibinibinta ng mga exhibitors ang kani-kanilang
produkto mula sa kanilang mga lugar kagaya ng mga native at poultry products, delicacies
mga halaman at iba-iba pang mga kagamitan sa bahay.
Nabatid na nagsimula ang nasabing exhibit nitong Abril
21, 2016 at nagtapos naman nitong Abril 26, 2016 na may temang “Produkto na
Sagana at may Kalidad, Kabuhayan, Masagana”.
Ang nasabing aktibidad ay taunang ginanap sa probinsya para
sa pagselbera ng Aklan Day kung saan ito ay isang linggong kasiyahan at exhibit
sa lugar.
No comments:
Post a Comment