Posted November 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Labis ngayon ang
pasasalamat ni Regional Director PRO 6 - PCInsp. Jose Gentiles sa mga Aklanon.
Ito’y may kaugnayan sa kanilang kampanya sa iligal na droga sa ilalim ng
Duterte administration.
Ito ang laman ng
kanyang ipinaabot na mensahe sa mga Aklanon sa kanilang partisipasyon at pagsuporta
sa ginawang programa na BagHay (Bagong Buhay) Handum Naton sa Kalibo Pastrana
Park nitong nakaraang araw.
Kung saan present
din dito si Provincial Director it APPO - PSSupt. John Mitchell Jamili, mga
chiefs of police ng ibat-ibang bayan , Prov'l Director John Ace Azarcon – DILG at
Fiscal Flosemer Chris Gonzales - DOJ, Phil. Army,
Bukod dito, labis
din ang pasasalamat ni Gentiles sa paglahok ng mga Aklanon sa mga aktibidad
nila kabilang na ang 3 kilometers fun run and walk for a cause at sa mga bumili
ng t-shirt at ticket para sa benefit concert nila.
Nabatid na ang kanilang
makukulektang pondo sa naturang event ay gagamitin sa programa kontra iligal na
droga ng mga pulis at sa mga drug surenderee.
Kaugnay nito,
dahil sa kampanya sa pagsugpo ng iligal na droga may naitala na umanong rekord
ang Aklan ng 18, 823 house visitation, at 1,863 surrenderee kung saan sa buong
rehiyon naman umano ay may rekord na 224,000 house visitation, 18,600 na
surenderee at 1, 300 arrested na sangkot sa droga.
No comments:
Post a Comment