Posted November 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Dahil umano sa
mga problema na natanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Malay kaugnay sa mga
talamak parin na illegal commissioner sa isla ng Boracay, pinatawag nito ang
mga asosasyon at mga kooperatiba at ilang department heads ng LGU-Malay sa 19th
Regular Session kahapon.
Ang usapin ay
nag-ugat sa sulat-reklamong natanggap ng Sangguniang Bayan noong nakaraang
sesyon mula Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide Association Inc.
Base naman sa
reklamong natanggap ng Sangguniang Bayan, tinanong ni Bautista kung ano ang
ginagawa ng opisina at sino ang dapat mag-ayos sa naturang issue. Itoy dahil sa
nasambit ni Megan Kuan, Presidente ng Boracay Chinese-Taiwanese Tour Guide
Association Inc., na mas maayos pa ang kalakaran sa ilalim noon ng opisina ng
TREU.
Saad naman dito
ni Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos, magmula ng mawala ang
TREU o Tourism Regulations Enforcement Unit na nagbago na umano ang miyembro na
hinahawakan niya sa Malay at Boracay.
Dagdag pa niya
rito base sa Tourism Mandate ni Mayor Cawaling ang mandato raw nila ay
naka-focus sa pagpalakas ng Marketing Promotion, Culture and Arts at Skills Enhancement
sa mga Front liners sa isla.
Iminungkahe naman
ni SG Gallenero na dapat ng i-publish ng mga water sports operator ang kanilang
rates para wala ng bagsakan ng presyo na nagiging dahilan ng problema.
Ito rin ang nais
mangyari ni SB Nenette Graf dahil karamihan sa umano sa mga commissioner ay
itinatakbo ang perang ibinabayad sa kanila at hindi na sinisipot ang mga
bisita.
Dahil dito, ayon kay Vice Mayor Abram Susalog panahon na
para i-regulate ang mga commissioner at gumawa ng proposal para maging organized
ang pamamalakad sa mga water sports activity.
No comments:
Post a Comment