Posted September 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa kabila ng mga
banta na natatanggap kaugnay sa terorismo at kasunod ng pagdedeklara ng state
of lawlessness ni Pangulong Rodrigo Duterte, isa pa rin ngayon sa maituturing
na matatag na dinadayo ng mga turista ang Boracay.
Ayon kay Jetty
Port Administrator Niven Maquirang, ang pagdeklara ng state of lawlessness sa
ating bansa para mapigilan ang posibleng pag-atake ng mga terorista sa
ibat-ibang tourist destination rito, ay hindi naging hadlang dahil mas tumaas
pa ang bilang ng mga turistang bumisita dito sa isla.
Nabatid na simula
Enero ngayong taon hanggang ngayong
buwan ng Setyembre, may datos na 1, 310, 670 ang mga bumisitang dayuhan at
lokal tourists.
Kung saan, ito
umanong rekord ay mataas kumpara noong taong 2015 na nakapagtala lang ng 1,
199, 742 na turista.
Samantala, sa
rekord na naitala may bilang na 662, 829 kabuuang foreign tourist na
nagbakasyon sa Boracay habang 614, 338 naman ang domestic tourists.
Kaugnay nito,
nanatili ang mahigpit na seguridad sa isla ng Boracay lalong-lalo na at papalapit
na ang super-peak season.
Samatala, target
naman nila ngayong taon ang 1.7 million tourist arrival.
No comments:
Post a Comment