Pages

Monday, September 26, 2016

Isla ng boracay, napanatiling matatag sa kabila ng banta ng terorismo

Posted September 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for boracay touristSa kabila ng mga banta na natatanggap kaugnay sa terorismo at kasunod ng pagdedeklara ng state of lawlessness ni Pangulong Rodrigo Duterte, isa pa rin ngayon sa maituturing na matatag na dinadayo ng mga turista ang Boracay.

Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, ang pagdeklara ng state of lawlessness sa ating bansa para mapigilan ang posibleng pag-atake ng mga terorista sa ibat-ibang tourist destination rito, ay hindi naging hadlang dahil mas tumaas pa ang bilang ng mga turistang bumisita dito sa isla.

Nabatid na simula Enero ngayong taon hanggang  ngayong buwan ng Setyembre, may datos na 1, 310, 670 ang mga bumisitang dayuhan at lokal tourists.

Kung saan, ito umanong rekord ay mataas kumpara noong taong 2015 na nakapagtala lang ng 1, 199, 742 na turista.

Samantala, sa rekord na naitala may bilang na 662, 829 kabuuang foreign tourist na nagbakasyon sa Boracay habang 614, 338 naman ang domestic tourists.

Kaugnay nito, nanatili ang mahigpit na seguridad sa isla ng Boracay lalong-lalo na at papalapit na ang super-peak season.

Samatala, target naman nila ngayong taon ang 1.7 million tourist arrival.

No comments:

Post a Comment