YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 28, 2016

AKELCO ipinatawag sa SP, kaugnay sa patay-sinding kuryente sa Boracay

Posted September 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona,YES FM Boracay

Image result for akelco joel martinezMuling ipinaliwanag ng  Aklan Electric Cooperative (AKELCO) ang paulit-ulit na patay-sinding power interruption na nararanasan sa isla ng Boracay.

Sa 10th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan  ng Aklan, paliwanag ni Engr. Joel Martinez, Assistant General Manager for Engineering Department ng Aklan Electric Cooperative o AKELCO , hindi power deficiency ang dahilan kung bakit nawawala ang supply ng kuryente sa Boracay.

Samantala, nagharap naman dito ang ilang mga Stakeholders sa Boracay kung saan naglabas sila ng saloobin kung ano ang mga dapat gawin para hindi na maranasan ang pauli-ulit na brownout na labis na nakaka-apekto sa kanilang negosyo.

Kaugnay nito, ang ginagawang sulusyon ng mga negosyante sa Boracay ay ang pagbili nalang ng Genarator upang maserbisyuhan ang kanilang mga bisita.

Nabatid na ang problemang ito ay idinulog na sa SB Malay kung saan isa sa mga itinuturong dahilan ng AKELCO dito ay ang tungkol sa transient Fault dahil umano sa habagat, malakas na ulan o merong ahas o kung ano mang  hayop na gumagapang sa kanilang wire dahilan kaya nawawala ang suplay ng kuryente.

Sa kabila nito, humingi naman ng paumanhin si Martinez sa nararanasang suliranin sa supply ng kuryente kung saan kanila naman itong a-aksyunan sa madaling panahon.

No comments:

Post a Comment