YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, September 30, 2016

Paglatag ng proyektong Zero Carbon Resorts sa Boracay, napuno ng katanungan

Posted September 30, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Sa kabila ng paglatag ng proyekto ng Zero Carbon Resorts for Sustainable Tourism sa isla ng Boracay, napuno naman ito ng katanungan sa paglatag ng kanilang mga suppliers tungkol sa paggamit ng solar system.

Nabatid na itong proyekto ay para magbigay ng kaalam sa mga resorts establishments kung paano ang tamang paggamit ng enerhiya o kuryente kung saan si Dr. Robert Wimmer Managing Director ng GrAT – Center for Appropriate Technology and ZCR Project ang nagpaliwanag nito.

Isa-isang nag-presenta dito ang mga suppliers ng ZCR sa mga bisita kung ano ang kanilang maibibigay na tulong kung sakaling mang gamitin nila ang kanilang proyekto katulad nalang ng solar power.

Ang naturang usapin ay nagbigay ng interes sa mga bisita kung paano ito makakatulong sa kanilang negosyo kung saan ito ang kanilang nakikitang sulusyon para mapunan ang kanilang problema sa supply ng kuryente na labis na naging problema sa isla ng Boracay.

Samantala, napuno naman ito ng hotel, resort owners at stakeholders sa Boracay na ang mga naging bisita naman dito ay ang mga Engineer at mga supplier na naglahad ng kanilang impormasyon sa kanilang proyekto.

No comments:

Post a Comment