Posted September 28, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona,YES FM Boracay
Muling
ipinaliwanag ng Aklan Electric
Cooperative (AKELCO) ang paulit-ulit na patay-sinding power interruption na
nararanasan sa isla ng Boracay.
Sa 10th Regular
Session ng Sangguniang Panlalawigan ng
Aklan, paliwanag ni Engr. Joel Martinez, Assistant General Manager for
Engineering Department ng Aklan Electric Cooperative o AKELCO , hindi power deficiency
ang dahilan kung bakit nawawala ang supply ng kuryente sa Boracay.
Samantala,
nagharap naman dito ang ilang mga Stakeholders sa Boracay kung saan naglabas
sila ng saloobin kung ano ang mga dapat gawin para hindi na maranasan ang
pauli-ulit na brownout na labis na nakaka-apekto sa kanilang negosyo.
Kaugnay nito, ang
ginagawang sulusyon ng mga negosyante sa Boracay ay ang pagbili nalang ng
Genarator upang maserbisyuhan ang kanilang mga bisita.
Nabatid na ang
problemang ito ay idinulog na sa SB Malay kung saan isa sa mga itinuturong
dahilan ng AKELCO dito ay ang tungkol sa transient Fault dahil umano sa
habagat, malakas na ulan o merong ahas o kung ano mang hayop na gumagapang sa kanilang wire dahilan
kaya nawawala ang suplay ng kuryente.
Sa kabila nito, humingi
naman ng paumanhin si Martinez sa nararanasang suliranin sa supply ng kuryente
kung saan kanila naman itong a-aksyunan sa madaling panahon.
No comments:
Post a Comment