Posted December 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi pinalagpas ng Philippine Coastguard Caticlan ang
isang lalaking nagpanggap na “Coco Martin” matapos niyang isulat ang naturang
pangalan sa manifesto sa bangka.
Sa SB Session ng Malay nitong Martes tinalakay ni Liga President
Abram Sualog ang naturang usapin kung saan hindi seneseryoso ng ilan ang
pagsulat ng kanilang pangalan sa manifesto.
Base sa report ni Sualog pinababa ang naturang lalaki
matapos mapag-alamang gumamit ito ng hindi totoong pangalan bagkus ay pangalan
ng sikat na artista ang kanyang isinulat.
Maliban dito isang babaeng turistang pinay naman ang
sisini ng mga pasahero ng isang bangka matapos ma-delay ang mga ito dahil sa
hindi pagsusuot ng life jacket na mahigpit na ipinapatupad ng coastguard.
Napag-alamang pinabalik ang bangka na papaalis na sana sa
Cagban Port matapos mapansin ang isang turista na walang suot na life jacket.
Nabatid na ayaw isuot ng turista ang naturang life jacket
dahil sa hindi niya umano nagustuhan ang amoy nito kung kayat minabuti nalang
ng mga kinauukulan na paliguan ng alcohol ang life jacket para maisuot ng
nasabing turista na naging dahilan para magalit sa kanya ang ibang pasahero.
Ang manifesto at life jacket ay mahigpit na ipinapatupad
sa Boracay kung saan hindi pahihintulutan na maglayag ang mga bangka kung hindi
nila ito nasusunod.
No comments:
Post a Comment