Posted December 8, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Wala umanong nakikitang
dahilan ang isang e-trike driver sa Boracay para siya ay pagtangkaang saksakin
ng isang lalaki sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan kahapon.
Sumbong ng
biktimang si Randy Gad 37 ng Brgy. Yapak, Malay, Aklan sa Boracay PNP, nag-uusap
umano sila ng kanyang kapwa driver sa nasabing lugar ng bigla siyang kumpruntahan
ng suspek na si Jorell Love Maguindanao 33- anyos kung bakit nandoon sila sa
area na agad naman nitong sinagot na nag-uusap lamang umano sila sabay alis sa
lugar.
Dahil dito,
mabilis din umanong umalis ang suspek at sa pagbalik nito ay may bitbit na itong
kutsilyo at hinabol niya ang biktima kung saan tinangka nitong saksakin ang
biktima ngunit mabilis naman itong nakailag.
Maliban dito, pinagsasaksak
pa umano ng suspek ang gulong ng kanyang minamanehong e-trike kung saan hinagisan
naman ito ng biktima ng bato para matigil ang ginagawa nito.
Sumbong pa ng
biktima lumapit din umano sa kanya ang kakambal ng suspek na si Jay Marvin
Maguindanao at sinabihan siya na ito ay babarilin.
Sa ngayon, pansamantalang
ikinustudiya sa Boracay PNP ang dalawang suspek matapos na mahuli ng mga pulis.
No comments:
Post a Comment