Posted December 7, 2015
Ni Inna Carol L.Zambrona, YES FM Boracay
Dahil sa hindi umano
nabigyan ng pamasahe papuntang Maynila ang itinuturong dahilan ng
pagpapakamatay ng isang 15-anyos na binatilyo.
Sa report ng Batan PNP, kinilala ang biktimang
si alyas “Ace” at residente ng Sitio Bita, Brgy. Mapag-ong, Batan, Aklan.
Sinasabing bago magpatiwakal ang biktima ay humingi ito ng pamasahe sa kanyang
lola para sana pumuntang Maynila ngunit hindi naman ito binigyan.
Napag-alaman na
noong Desyembre 2 ng huling makita ang biktima sa lugar at makalipas ng limang
araw ay nakita nalang itong nakabitin na ang katawan sa puno ng mangga malapit
sa kanilang bahay kung saan naaagnas na rin ang katawan nito.
Lumalabas din sa
imbestigasyon ng mga pulis na pinunit na damit ng biktima ang kanyang ginamit
para wakasan ang kanyang buhay.
Sa ngayon patuloy
parin ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa pagpapakamatay ng
biktima.
No comments:
Post a Comment