Posted December 11, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Isang barracks ng mga construction worker ang pinaulan ng
bala ng baril kagabi sa Sitio Cagban, Brgy. Manoc-manoc, Boracay,Malay, Aklan.
Reklamo ng biktimang si Nelson Jabonite 45-anyos ng Tabuk
Suba, Jaro, Iloilo City at isa sa nakatira sa barracks sa Boracay PNP,
natutulog umano siya sa loob nito ng bigla niyang marinig ang putok ng baril na
tumama sa kanilang bubungan at sinundan pa ng isang putok na tumama naman sakaliwang
braso nito.
Dahil dito mabilis namang naisugod ang biktima sa isang pagamutan
sa Boracay para mabigyan ng karampatang medikasyon ang kanyang braso na tinamaan
ng bala.
Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis
hinggil sa nangyaring pag-papaulan ng bala sa naturang barracks.
No comments:
Post a Comment