Posted August 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinatayang nasa 32-35 percent na umano ang nag-comply sa
ipinatupad na 6 meters road set back ng Local Government Unit ng Malay sa
Boracay.
Ayon kay Head Engineer Azur Gelito ng Boracay
Redevelopment Task Force (BRTF), may mga nabigyan na din umano sila ng
ultimatum upang sumunod sa nasabing set back kung saan nag-comply naman umano
ang mga ito.
Ngunit sinabi ni Azur na may ilang mga establisyemento na
kasama sa setback ang hindi nila nabigyan ng ultimatum para mag-comply dahil
mayroon pa umanong existing permit ang mga ito.
Dahil dito nagbigay din umano sila ng commitment kung
kaylan sila susunod at sakali namang mabigo silang tumupad ay mabibigyan sila
ng penalidad.
Samantala, karamihan naman umano sa mga nag-comply ay ang
mga nasa Ambulong area papuntang Balabag proper.
No comments:
Post a Comment