Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigit sa limang daang seedlings ng Acasia ang naitanim
sa matagapumpay na Broadcastreeing ng KPB-Aklan sa Jawili, Tangalan nitong
Sabado.
Ito ang kinumpirma ng Department of Environmen and
Natural Resources (DENR) Aklan na siyang namahagi ng mga nasabing seedlings.
Tinatayang nasa apat napung miyembro ng KBP-Aklan Chapter
ang sumama sa tree planting activity katuwang ang ilang non-government
organization, CAAP Kalibo, Red-Cross Aklan, Philippine Army, Seals Rescue at
Philippine National Police.
Ang Broadcastreeing ay sabay-sabay na isinagawa
Nationwide bilang pakikiisa sa Greening Program ng National Government sa
ilalim ng executive order 26 ni Pangulong Benigno NoyNoy Aquino III kung saan
target nito na makapagtanim ng 1.5 milyong puno hanggang sa taong 2016.
Samantala, nagpapasalamat naman ang KBP sa pangunguna ni
KBP-Aklan Chapter Chairman Alan Palma Sr. sa lahat ng mga sumuporta at tumulong
sa matagumpay na programa para sa pangangalaga ng kalikasan.
No comments:
Post a Comment