YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 18, 2015

Danyos sa nangyaring sunog sa Talipapa bukid Boracay umabot sa P48 milyon

Posted August 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tinatayang nasa P48 milyong peso ang iniwang danyos sa nangyaring malagim na sunog sa isla ng Boracay nitong Hunyo 17, 2015.

Ito ang sinabi ni Bureau of Fire Protection (BFP)-Boracay Fire Inspector Stephen Jardeleza kasabay ng paglabas ng kanilang ginawang embistigasyon kung saan nagmula ang nasabing sunog na tumupok ng 400 market stalls at mga boarding houses at 800 biktima na nawalan ng kanilang tahanan.

Nabatid na karamihan sa mga market stall sa Talipapa bukid ay nagbibinta ng mga grocery, kitchen ware at mga gulayan na nagsusuplay sa buong isla ng Boracay.

Napag-alaman naman na ang nangyaring sunog ay nagmula sa bahay ni Marcelino Sotto III dahil sa naiwang stove ng kanyang pitong taong gulang na anak at hindi na-kontrol ang paglaki ng apoy hanggang sa mabilis itong kumalat sa kanilang kabahayaan at sa mga katabing bahay.

Samantala, ayon naman sa BFP Boracay ang nangyaring sunog noong Hunyo 17 ang siyang itinuturing na pinakamalaking sunog sa isla na naging dahilan ng pagka-paralisado ng mga manggagawa at mga negosyante.

No comments:

Post a Comment