Posted August 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Si Typhoon Ineng ang siyang itinuturong dahilan kung
bakit hindi natuloy ang pagbisita ng barkong “MS Legend of the Seas” sa Boracay
kaninang umaga.
Ito ang naging kumpirmasyon ni Jetty Port Administrator
Niven Maquirang ilang oras bago sana dumaong ang barko sa Boracay kaninang
alas-8 ng umaga.
Nabatid na ang barko ay magmumula sa Maynila at diretsong
Boracay para sana sa tour ng mahigit dalawang libong pasahero nito sa isla.
Sa ngayon hindi pa matiyak ni Maquirang kung kailan
matutuloy ang pagbisita ng naturang cruise-ship dahil sa patuloy na sama ng
panahon at lakas ng alon dulot ng Habagat.
Napag-alaman na nakalatag na sana ang seguridad sa
pagdating ng barko hanggang sa mga sakay nitong pasahero sa pamumuno ng
Provincial Government ng Aklan.
Ang “MS Legend of the Seas” ay nauna ng bumisita sa
Boracay noong taong 2012 sakay ang halos mahigit dalawang libong turista at
pitong daang crew na kinabibilangan din ng mga Pinoy.
No comments:
Post a Comment