Posted March 30, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa kabila nito, marami parin ang mga Katoliko sa
isla ang nagbigay ng panahon para sa nasabing pagdiriwang.
Kapansin-pansin kasi ang pagdagsa ng mga ‘church
goers’ kahapon sa Linggo ng Palaspas o Palm Sunday lalo na sa HRP o Holy Rosary
Parish Boracay.
Ang Linggo ng Palaspas ang siyang unang araw ng
Holy Week na ipinagdiriwang ng mga Kristiyanong Katoliko sa buong mundo.
Sa ginanap na Solemn Blessing of palms kahapon ng
umaga, pinangunahan mismo ni Father Nonoy Crisostomo ang pagbendisyon ng mga
palaspas.
Kapansin-pansin ang mga bata at mga matatanda sa
Balabag Plaza na nais magpa-bendisyon ng kanilang binili pang palaspas na gawa
sa murang dahon ng niyog.
Kasabay ng selebrasyon, hinimok naman ni Father
Nonoy ang lahat na magnilay-nilay sa panahon ng Holy Week.
Samantala, inaasahang dadagsa pa ang mga turista at
bakasyunista ngayong Semana Santa kung kaya’t naka heighten alert na ang mga
otoridad sa isla para sa seguridad ng publiko.
No comments:
Post a Comment