Pages

Monday, March 30, 2015

Linggo ng Palaspas sa Boracay, dinagsa

Posted March 30, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for palaspasNakagawian na ang kaliwa’t-kanang ‘event’ sa isla ng Boracay ilang araw bago mag-Semana Santa.

Sa kabila nito, marami parin ang mga Katoliko sa isla ang nagbigay ng panahon para sa nasabing pagdiriwang.

Kapansin-pansin kasi ang pagdagsa ng mga ‘church goers’ kahapon sa Linggo ng Palaspas o Palm Sunday lalo na sa HRP o Holy Rosary Parish Boracay.

Ang Linggo ng Palaspas ang siyang unang araw ng Holy Week na ipinagdiriwang ng mga Kristiyanong Katoliko sa buong mundo.

Sa ginanap na Solemn Blessing of palms kahapon ng umaga, pinangunahan mismo ni Father Nonoy Crisostomo ang pagbendisyon ng mga palaspas.

Kapansin-pansin ang mga bata at mga matatanda sa Balabag Plaza na nais magpa-bendisyon ng kanilang binili pang palaspas na gawa sa murang dahon ng niyog.

Kasabay ng selebrasyon, hinimok naman ni Father Nonoy ang lahat na magnilay-nilay sa panahon ng Holy Week.

Samantala, inaasahang dadagsa pa ang mga turista at bakasyunista ngayong Semana Santa kung kaya’t naka heighten alert na ang mga otoridad sa isla para sa seguridad ng publiko.

No comments:

Post a Comment