Posted April 1, 2015
Gloria Villas, YES FM Boracay
Kasabay ng pagdagsa ng libu-libong magbibiyahe patungo sa
mga iba’t ibang lugar ngayong Semana Santa.
Nagpaalala ngayon ang Municipal Transportation Office
(MTO) Malay sa mga motorista para sa ligtas na biyahe.
Ayon kay Senior Transportation Regulation Officer Cesar
Oczon Jr. ng Municipal Transportation Office.
Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga cellphone
kapag nasa byahe, at ang paninigarilyo sa loob ng sasakyan.
Dapat din umanong tiyakin na kumpleto at walang depekto
ang sasakyan para iwas disgrasya sa pagbiyahe.
Samantala, nagsimula na rin ngayong magpakalat ng mga
traffic enforcers ang Land Transportation Office (LTO) upang mabantayan ang
daloy ng trapiko.
Nabatid na ilang L300 Van drivers na bumibiyaheng Caticlan-Kalibo
ang ikinadismaya ng mga pasahero dahil sa paggamit nila ng cellphone habang
nagmamaneho.
No comments:
Post a Comment