YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 01, 2015

Seguridad para sa pagdating ng MS Seven Seas Voyager sa Boracay ngayong Huwebes Santo kasado na

Posted April 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kasado na ang inilitag na seguridad ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno ng Aklan para sa pagdating ng MS Seven Seas Voyager sa Boracay ngayong Huwebes Santo.

Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, nagkaroon umano sila ng meeting kahapon ng hapon para pag-usapan ang seguridad ng naturang barko kasama ang Philippine Army, Philippine National Police, Philippine Coastguard, Philippine Navy, Philippine Army at Philippine Ports Authority (PPA).

Dito umano nakalatag na ang seguridad magmula sa dadaungan ng barko sa Cagban Jetty Port hanggang sa beach area kung saan pupunta ang mga sakay na pasahero ng Cruseship.

Sinabi pa ni Pontero na darating ito sa Boracay ng alas-10 ng umaga at ang departure time naman ay alas-8 ng gabe.

Mayroon din umano itong 600 passengers capacity at 250 na crew kung saan ang mga pasahero nito ay iba-iba ang nationality.

Muli namang inihanda ng Jetty Port at Provincial Tourism Office ang Ati-Atihan Group para sa pag-welcome sa mga pasahero at Rondalia pabalik ng mga pasahero sa barko.

Samantala, isa na namang plaque exchange ang isasagawa para sa maiden call sa pagitan ng kapitang ng barko at Provincial Government ng Aklan kasama ang Department of Tourism.

No comments:

Post a Comment