YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 31, 2012

Pagpapa-New Born Screening sa mga sanggol sa Malay, ginawang ordinansa

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Suportado at nais ipatupad ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay partikulan ng Sangguniang Bayan ang pagsailalim sa New Born Screening ng mga bagong panganak na sanggolsa bayan ng Malay at isla ng Boracay.

Ito ay sa kabila na mayroon nang batas at nakasaad na ito sa Republic Act No. 9288 sa nasyonal na dapat talaga ay idaan sa eksaminasyon ang katawan ng bagong panganak na sanggol kahit pa sabihing may kamahalan ang magagastos para dito.

Pero naniniwala ang konseho na malaki din aniya ang magagawa nito at sulit dahil mapanatiling malusog at ligtas sa ano man sakit na maaaring mamana ng sanggol mula sa mga magulang nito.

Dahil dito, hiniling ni Sangguniang Bayan Member Natalie Cawaling-Paderes na nagpasa ng ordinansa para pagtibayin ang RA 9288 at masigurong maipapatupad sa bayan ito.

Subalit ang ordinansa ukol dito ay patuloy pa ring dinidinig sa konseho, na naglalayong mabigyan ng malinaw na kinabukasan ang sanggol sa paraan ng pagpanatili ditong ligtas sa sakit mula pagkabata.

No comments:

Post a Comment