Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Dahil nangayari na nga, na minsan nang pinagdudahan ang Sangkalikasan Cooperative nang mabiktima ito ng di umano ay maling artikulo na nakalimbag sa isang magazine ng airline Company.
Ipinasiguro ngayon ni Jojo Rodriquez Pangulo ng Sangkalikasan Cooperative, na para maiwasan ang katulad na pangyayari at hindi malagay sa kontrobersiya ang proyekto nilang artificial reef na binigyang pundo ni Senadora Loren Legarda na nagkakahalaga ng limangpung milyong piso para sa Boracay.
Inihayag ngayon ni Rodriquez sa konseho na gagawa ito ulat at ipipresenta sa kinauukulan para malaman din ng publiko kung saan napunta ang perang ibinigay ni Legarda at kung ano ang pinag-gastusan nito.
Kung saan sa ngayon umano at tatlongpung pursiyento pa lamang ng limangpung milyong piso ang natatanggap ng kooperatiba na siyang ginamit na nila para gawin ang mga natapos nila dome ngayon.
Bagamat hindi pa tapos gawin ang mga artificial reefs o dome na ito, nakapagsimula na rin umano silang maghulog nito sa baybayin ng Boracay para subukin kung epektibo nga ang proyekto.
Bagay na ikinatuwa sana umano nila dahil nakita ng balikan ang lugar na marami nang isda ang nabubuhay doon.
Subalit tila napawi ang kanilang kasiyahan at napalitan ito ng paghihinayang, sapagkat minsan na rin nilang nadatnan at nakita na may ilang Koreano na nangi-ngisda doon, sa kabila ng pagkakaalam aniya nila na mahigpit itong pinagbabawal.
Samantala, inihayag din ni Rodriquez na ngayong a-singko ng Pebrero isasagawa nila ang Launching ng Sangkalikasan sa proyektong ito.
Para kang kung sinong maganda! Feeling GENIUS...
ReplyDelete