YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 03, 2012

Ninakaw na kuryente ng isang estalishemento sa Boracay,ibabalik sa konsumidor

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Klinaro ng Aklan Electric Cooperative o Akelco na ibabalik nila sa konsumidor ang ninakaw na halaga ng kuryente ng isang malaking establishemento sa Boracay dahil naideklara na ito sa system loss ng kooperatiba at nabayaran na rin ng mga konsumidor.

Ito ang nilinaw ni Atty. Mathew Rodson Mayor, Executive Secretary ng General Manager ng Akelco, na siyang ipinadala ng kooperatiba para magbigay linaw sa Sangguniang Bayan ng Malay ukol sa usaping ito.

Matapos madiskobre at mahuli di umano n g Akelco si James Molina taga pamahala ng isang Water Company sa Boracay na nangdaya at nagnakaw ng kuryente nitong Enero.

Kung pinapaniwalaan matagal na rin di umano itong ginagawa ng nasabing kumpaniya ng tubig pero kamakailan lamang na huli.

Dahil dito, umabot na ayon kay Mayor ng 1.5 milyon kilowatt hour ang nakuhang kuryente sa Akelco na sinigil sa mga konsemedor ng i-deklara itong system loss.

Kung saan nag-usapan na di umano si Molina at ang management ng Akelco na labing limang milyong piso ang babayaran nila sa kooperatiba dala na ang penalidad.

Subalit sa P15milyong ito, P12.3 milyon ang ibabalik sa mga kunsumidor sa paraan ng pagtapyas sa kanilang bayarin.

Pero kung kaylan ito ibabalik,  hindi pa umano nila masiguro kung kaylan, dahil hindi pa nabayaran ng buo ang labin limang milyong piso.

Katunayan sa ngayon, P2.5 milyon palang umano ang nababayaran ni Molina.

Ang paglilinaw na ito ni Mayor ay ginawa nang ipatawag ng konseho ang Akelco para linawin kung ano ang mangyayari sa perang binayad ni Molina gayong naideklara na itong systems loss na binayaran ng komsumidor nitong mga nagdaang buwan at napaloob sa kanilang kunsumo. 

No comments:

Post a Comment