Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Para mabilang ng tama o accurate ang mga turistang pumapasok sa Boracay.
Isinulong ngayong sa Sangguniang Bayan ng Malay ni SB Member Welbec Gelito, na maisabatas at gawan ng ordinansa para hilingin o utosan ang mga resort/hotel at iba pang establishemento na tumatangap ng bisita para may matuluyan sa isla, na isumite ang kanilang Registration Inventory, upang mabatid kung may ilang bisita na ang nakapasok sa Boracay.
Ito ay sa kabila nang mayroong tao ang Municipal Tourism Office MTO sa Caticlan Jetty Port para magtala at mabilang ang mga turista na papasok ng isla.
Subalit, dahil sa batid naman ayon sa konsehal na mayroong “one entry one exit policy“ na ipinapatupad sa Boracay.
Pero tila hindi naman ito nasusunod, sapagkat may mga hotel/resort sa isla na may pribado o sariling pantalan na hindi na dumadaan sa Caticlan Jetty Port.
Kaya may mga pagkakataon na hindi nabibilang ng MTO ang mga ito.
Subalit, ang ordinansang ito ay hindi pa na-aprobaha sa konseho, at nakatakda palang pagdebatihan ng Committee on Law and Ordinances at Tourism.
No comments:
Post a Comment