Ayon kay Aklan Revenue District Officer Ricardo Osorio, ang P914-M
na ito ay inaasahan niyang makokolekta lahat bago paman ang buwan ng Nobyembre
ng kasalukuyang taon.
Ito ay dahil ngayon buwan pa lang ng Agosto, simula nitong
Enero ng kasalukuyang taon, umabot na lahat sa P804.6 million ang koleksiyon ng
BIR.
Kaya nasa 108.6 million na lang umano ang kulang para makumpleto
ang target goal ng BIR Aklan ngayong taon.
Bunsod nito, naniniwala si Osorio na bago ang buwan ng
Nobyembre ay maaabot na ang target nila.
Taong 2011, ang BIR ay nakapag-kolekta ng P615 million.
Samantala, dahil sa magandang performance ngayon ng BIR,
nagpapasalamat naman si Osorio sa kooperasyon ng mga taxpayers sa Aklan. |
ecm102012
No comments:
Post a Comment